Tuesday, March 10, 2015

Reflection Paper El Presidente

Reflection Paper El Presidente




Ang pelikulang El Presidente ay hango sa totoong buhay ng unang presidente ng unang republika ng Pilipinas, walang iba kundi si General Emilio Famy Aguinaldo. Kung Paano siya maghahari sa isang kahariang hindi niya pamumunuan.

Sa klase namin sa Philippine History, na-discuss ang tungkol sa panahon nang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas nang mahigit tatlong daan taon. Hanggang sa unti-unting namumulat ang mga Pilipino sa hindi tamang pagtrato ng mga Kastila sa mga tinatawag nilang mga Indio.

Napag-aralan din namin ang tungkol sa buhay ng ilang taong nagbigay kontribusyon at buhay upang makamit ang tinatawag natin ngayong "Kalayaan.” Isa na rito si Emilio Aguinaldo, na naging pangulo ng republikang itinatag nila kung saan ipinakita sa palabas kung paano nagkaroon sila ng halalan. Naganap ang nasabing halalan sa Hacienda Tejeros, San Francisco de Malabon, Cavite at nanalo nga si Emilio sa nasabing botohan kahit wala siya rito.

Isa rin sa napag-aralan namin sa klase ay ang paglilitis kay Andres Bonifacio at sa kanyang kapatid na si Procopio na nahatulan ng kamatayan. Nangyari nga ito sa pelikula pero ang pinagtataka ko lang na pinatay siya ito gamit ang baril at hindi ang bolo.

Nagtatag sila ng isang republica sa Biak na Bato sa San Miguel, Bulacan. Nagkaroon din ng kasunduan si Don Emilio at Gobernador Heneral de Rivera, sa pakikipag-ugnayan ni Pedro Paterno.

Hanggang sa pagdating at pag-alis ng mga Amerikano at mga Hapon, at Makamit ang totoong kalayaan.

   May mga bahagi o sabihin na nating malaking bahagi ng pelikula o ang buhay ni Emilio Aguinaldo at ng mga bayaning naging bahagi ng kalayaan ay ngayon ko pa lang nalaman. Hindi naman talaga masama si Emilio Aguinaldo may mga bagay lang siyang nagawa at may mga taong nag-impluwensya sa kanya sa mga naging decision niya noon.





No comments:

Post a Comment